7 Ways to Enjoy Valentine’s For Singles

Season of hearts nanaman. Paglipat pa nga lang ng kalendaryo sa Pebrero, marami ang excited na. At marami din naman ang napapa-‘haaaay’ na lang.

Kung mas nakaka-relate ka sa ikalawa at ang relationship status mo naman ay Single, It’s Complicated o #PizzaIsLyf, huwag nang mag-alala dahil naglista kami ng mga pwede mong gawin para ma-enjoy (o ma-survive!) ang araw na ito.

1. Mag-explore sa National Museum

Libre na ang entrance fee sa National Museum at hindi required magdala ng significant other dito! Pwedeng isama ang tropa at pwedeng-pwede din ang solo explorer a la Dora.

Learn and own the experience. Mag-groupie o di kaya mag-senti na lang. Mamangha sa sining na nilikha ng mga ninuno natin. Remember that in your veins runs the blood of an artist. Naks. Gawin mong motivation ito para mas pagbutihin o hanapin ang sarili mong art.

Marami sa sikat na paintings, trahedya ang tema. Paulit-ulit pinaaalala sa atin na even tragedies can be extraordinary works of art. Kailangan lang paggugulan ng oras at effort. Kaya mga Ate at Kuya, chill lang, lilipas din kung anuman ang mga pinagdadaanan niyo ngayon. ‘Wag mainip, you are an artwork-in-progress.

2. Maki-party sa UP Fair

MYMP, Moonstar88, Rivermaya, Gloc9, Itchyworms, atbp.

Sila- sila ba ang ang umiikot sa playlist mo sa opisina o habang naglalaba? Hindi ba mawawala ang mga pinasikat nilang kanta pag nag-vi-videoke ang barkada? Reminisce good memories sa UP Fair.

Magpadala sa musika. Umiyak. Humalakhak. Tumalon. Sumigaw. Sumayaw. Kumaway. Sumabay kahit sintunado ka pa. Gawin mo ‘tong therapy session, mag-alis ng stress at maglabas ng sama ng loob. Ang end goal: healthy expression of freedom.

3. Mag-stargazing, pero umuwi agad

Tumingala at panoorin ang mga diyamanteng nakalatag sa itim na canvas. Pero kung naghahanap ka pa ng mas magandang view, umuwi ka at humarap sa salamin. Oo’t maganda ang buwan, pero nanghihiram lang s’ya ng liwanag sa araw, hindi katulad mo, may sarili kang kinang. Kailangan mo lang hanapin yun at ibahagi sa iba.

4. Mag-food hopping

Perks ng food trip mag-isa? Hindi ka aabutin ng siyam-siyam sa pamimili ng kakainan.

At no pressure kung abutin ka man ng siyam-siyam. Isang set ng taste buds at tiyan lang ang iko-consider mo. Madaling humanap ng mauupuan. Hindi mo kailangang i-justify ang weird food choices mo. Alam mo din ang budget mo.

Disadvantage: Wala kang kasamang mag-judge sa weird food choices ng iba.

5. Sunugin ang carbs na naipon nung nag-food hopping ka

‘Wag kang magmukmok kung wala kang date sa Valentine’s. Tama na din ang social media binge. Imbis na panoorin ang curated na buhay ng ibang tao, magfocus ka sa sarili mo.

Ngayong araw ng mga puso, gumawa ng isang bagay na mabuti sa puso mo. Mag-exercise ka, tumakbo habang nakikinig sa paborito mong playlist.

Maniniwala ka bang isa ring mental health exercise ang pagtakbo? Sa pamamagitan ng mga simpleng physical activities gaya nito, na-didistract ka sa mga alalahanin mo.

Makakalimutan mo ang demanding mong boss, ang deadlines n’yang laging ASAP, ang chismosa mong officemate at ang katotohanang pang-25 na Valentine’s na single pa din ang status mo. Matatabunan ng endorphins ang cortisol. Basta, gagaan ang pakiramdam mo.

6. Manood ng pelikulang horror o comedy

Katulad ng iba pang item sa listahang ito, pwede ka ring manood ng pelikula kahit na wala kang makaka-share sa popcorn at walang mag-a-alalay sa’yo pagbaba sa hagdan ng theater.

Iwas-iwasan mo lang siguro ang love stories kung ayaw mong ma-trigger. Pero kung matapang ka, wala namang pipigil sayo. Paalala lang na kahit gaano ka pa naaaliw sa mga napapanood nakwento, wala pa ring tatalo sa totoong kwento ng buhay mo.

7. Mag-volunteer ka!

Volunteering is an exercise of self-love. It is a declaration of appreciation for oneself.

Sa pamamagitan ng pag-volunteer, maipapakita mong may magagandang bagay na kaya mong ibigay sa mundo. Alam mo na may kaya kang gawin para sa iba at meron kang lakas ng loob para gawin yun.

At sa huli, alam mong walang nawawala sa’yo dahil kahit ikaw ang tumutulong, alam mong ikaw ang higit na natutulungang magpakatao.

Sabi nga, happiness is a perfume you cannot pour on others without getting some on yourself kaya ipamahagi mo ang pagmamahal sa Valentine’s Day sa kapwa.

Being comfortable with another person takes courage. But being comfortable with ourselves? That requires a whole new level of brave.

Kaya anuman ang tawag mo sa araw na ito: Araw ng mga Puso, Independence Day o Singles Awareness Day, para sayo ‘to.

Happy Valentine’s Day, Brave Hearts.

Gie Maningas, iVolunteer Philippines

Advertisements

One thought on “7 Ways to Enjoy Valentine’s For Singles

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s