Tula: Sa Aking Tagapagligtas

Isinilang lang ba ako para iwan?

Pakalat-kalat sa magulong kalye,
Kung saan lahat may sariling biyahe.

Gutom, pagod at nag-iisa sa lansangan,
Naghahanap ng mauuwiang tahanan,
Umaasang makalayo sa kaguluhan.

Sa tuwing may magbubusina, nanginginig ako.
Sa tuwing may sumisigaw, tumatakbo ako.
Sa tuwing may lumalapit, nagtatago ako.

Sa dami na ng mga dumaan,
Sa napakaraming mga buwan,
Ito pa rin ang aking kapalaran,
Sadya bang wala itong hangganan?

Mabuti na lang,
Isang umaga,
Bigla kang dumating,
Na parang himala.

Napadaan ka sa aking mundo,
Na para bang tinadhana ito:
Ang makita mo ‘ko sa gitna ng gulo,
At mailigtas ako ng yakap mo.

Tinanggap mo ‘ko sa iyong bahay,
At binigyan mo ng bagong buhay.
Kaya’t sa tuwing ika’y magbubusina, inaabangan kita.
Kaya’t sa tuwing ika’y sumisigaw, tumatakbo ako palapit sayo.

Sa aking tagapagligtas: salamat.


Hindi lang tao ang nangangailangan ng tulong, pati mga hayop din. Huwag sana nating kalimutan na tulungan sila. Kailangan din nila ng pagmamahal at pagkalinga. Kailangan din nila ng tagapaglitas. Maging bayani para sa mga hayop.


Written by: Lorraine Rañoa, iVolunteer Philippines


Visit, follow and like iVolunteer’s Facebook Page for Regular Updates: https://www.facebook.com/ivolunteerphils

Sign up for Volunteer Opportunities through iVolunteer’s Website: https://www.ivolunteer.com.ph/

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.