Ngayong darating na ika-17 ng Nobyembre, muling inihahandog ng iVolunteer Philippines ang #BayaniRun2019. Isang natatanging ‘run for a cause’ na naghihikayat sa bawat Pilipino na mag-alay ng suporta sa kanilang mga napiling adbokasiya sa pamamagitan nang pagtakbo at pagkilala sa mga non-profit organizations na kanilang katuwang.
Mula ika-8 ng Agosto, maaari ng makapag-parehistro kasama ang inyong mga kaibigan, kaopisina, o sinumang kabayanihan sa BayaniRun 3K Run (750 PHP), 5K Run (800 PHP), o 10K Run (1000 PHP) na muling gaganapin sa Liwasang Ulalim, CCP Complex sa lungsod ng Pasay.
Narito ang link para makapag-parehistro: BayaniRun Registration.
Race Distance | Registration Fee (Php) |
3 km | 750 |
5 km | 800 |
10 km | 1000 |

Matapos makatanggap ng confirmation, maaari ka nang magbayad sa pamamagitan ng:
Account Name: iVolunteer Inc.
1. BPI Bank Deposit
Account Number: 3721-0081-68
2. Paypal Account
Account: contactus@ivolunteer.com.ph
Paalala: There will be additional 5% charge on top of the registration fee
Once payment is done, please send a copy/screenshot of your deposit slip at sustainability@ivolunteer.com.ph. Maraming salamat!
Para sa karagdagang katanungan, you may contact: Jasmine Salem (0917-250-1023/jasmine@ivolunteer.com.ph)
Registration is until November 3, 2019 only.

Tumakbo bilang isang volunteer
Noong nakaraang taon, mahigit 700 na kababayan natin ang nakiisa sa iVolunteer Philippines at naghatid ng 250,000 PHP na tulong sa 14 na non-profit organizations na aming nakasama. Sa taong ito, ang mga sasali ay maaaring suportahan ang mga naturang adbokasiya:
- 1. Children & Youth
- 2. Disaster Preparedness
- 3. Education
- 4. Elderly
- 5. Environment
- 6. Animals
- 7. Health
- 8. Zero Hunger
- 9. Poverty Alleviation
- 10. Sports & Recreation
Bukod sa magiging ambag ng mga rehistradong runners, hatid din ng BayaniRun ang oportunidad para sa’ting mga kababayan na mas kilalanin ang kanilang mga sinusoportahang non-profits. Sa katunayan, kahit sino ay maaaring dumayo sa CCP Complex upang bisitahin at kilalanin ang mga organisasyong makikibahagi sa BayaniRun ngayong taon.
- WHAT: BAYANIRUN 2019
- WHEN: November 17, 2019
- WHERE: Liwasang Ulalim, CCP Complex