Bilang pakikiisa sa ika-121 na Araw ng Kalayaan, nais ihandog ng iVolunteer Philipines ang ilan sa mga natatanging indibidwal na nakasama namin at nagsilbing inspirasyon para sa kanilang mga kasamahan. Sila yung kung tawagin namin ay “Everyday Heroes.” Mga ordinaryong tao na gumagawa ng mga simpleng bagay nang boluntaryo at walang hinihinging kapalit.
Hindi natin sila makikita sa mga libro, pero, andyan sila at nagtatanggol sa mga karapatan ng kanilang kapwa, maaaring nagtatanim ng mga puno, at naglalaan ng oras nila para suportahan ang isang advocacy o non-profit organization. Sila yung mga naniniwala na ang mabuting gawain ay hindi kailangan nang kapalit o magarang pagpupugay.

Jay, Systems Developer
“Actually yung first time ko mag volunteer sa ATD kinakabahan ako at natatakot kasi iniisip ko baka naman walang matutunan sa akin yung bata more on reading and writing kasi ang ATD Ang Galing, hindi din kasi ako teacher wala akong idea sa pagtuturo ang alam ko lang kasi that time is makipag laro sa mga bata like ng mga pamangkin ko,” pagbabahagi ni Jay.
“Pinaka memorable siguro is yung one time may isang bata akong tinuruan then after ng sessions namin pauwi na kaming lahat tumakbo yung bata sa aken at yumakap sabay sabi ng salamat kuya. So ayun nagulat ako then sa loob loob ko ang sarap sa feeling kasi kahit papaano sa maliit na bagay na ginagawa natin is sobrang laki para sa kanila.”
Jay
Ayon din kay Jay, isa sa pinakamabigat na hamong hinarap niya noong umpisa ay ang paghahanap ng paraan upang makuha ang loob ng mga batang kanyang tinuturan. Sa katunayan, hindi naitanggi ni Jay na medyo masakit pala kapag sa una ay hindi pumayag magpaturo yung isang estudyante. Buti na lang, naging matyaga siya hanggang sa yung mga bata na mismo ang naghahanap sa kanya.
“May friend ako na nalaman niya na nag vovolunteer ako tapos nag tanong sya ng nag tanong then nag advise sya sa aken na dapat daw sarili ko muna ang ayusin ko, mag payaman muna ko before tumulong so wala akong nasabi pero sa loob loob ko nalang nun what if hindi ako yumaman pag sisishan ko sa huli na yung mga time na dapat nakakatulong ako kahit sa maliit na bagay lang hindi ko na nagawa. So ayun sa mga tulad ko before na natatakot sa start lang yan pero once na try or nahanap ninyo na yung applicable na NGO para sa inyo or hindi, hanggat gusto mo makatulong magagawan mo ng paraan.”
Jay

Judy, Entrepreneur
Para kay Judy, nasa dugo na niya ang pagnanais na makatulong sa kahit kaunting paraan sa kanyang kapwa. Sa ganitong paraan din umano kasi siya pinalaki ng kanyang ina na madalas sa mga outreach activities ng Golden Acres, isang bahay na nag-aaruga sa mga matatanda.
“The first volunteer opportunities which I have attended at a tender age of 10 were very memorable ones. These opportunities have really opened my eyes and touched my heart. They inspired me to continue with volunteering.”
Judy
Kinalaunan, naging matimbang din para kay Judy ang pagnanais na labanan ang gutom na dinaranas ng ilan sa’ting mga kababayan. Ito ang nag-udyok sa kanya upang maging isa sa mga volunteer ng Karinderia ni Mang Urot, na nag-oorganisa ng mga soup kitchen and food service para sa mga mahihirap na Pilipino.
“I have had so many good memories as a volunteer. When I was about 24 years old, I tutored the out-of-school youth boys sheltered at the Tuloy sa Don Bosco Foundation. Around 4 years ago, I volunteered at Gawad Kalinga, from the digging of soil for the foundation of housing projects to painting and cleaning of classrooms in their school projects. I experienced riding a dump truck with other volunteers on our way to the project sites.”
Judy
Ukol sa pagiging volunteer, nais iparating ni Judy na maraming paraan upang tayo ay makiisa. Ayon sa kanya, hindi kailangan na maging tungkol lamang sa mga materyal na bagay ang pagkakawang-gawa.
Dagdag pa ni Judy, “A donor gives a part of his wealth to contribute to society, whereas a volunteer gives his time, effort and commitment to help others. He believes that in doing good and serving others, he is able to contribute in uplifting the lives of those who need help. A volunteer only needs to have the heart to help his brethren… a heart that is filled with kindness, compassion and commitment.”

Em, Publishing Specialist
Bukod sa pagiging publicist, kabilang rin si Em ng Manila Volunteers Council, ang pinakamalaking grupo na naghihikayat sa mga manggagawa upang maging isang volunteer.
“Nagmumuni-muni lang kami kung ano yung gusto naming gawin in the future kasi sayang naman yung opportunity na meron kami and sayang yung mga learnings na nakukuha namin. So we decided na ipagcombine yung gusto namin. Kasi si Ralph, sobrang hilig nya mag travel and budget traveller talaga sya. And ako, I’m an active volunteer of Visayan Forum Foundation and I’m advocating against human trafficking and slavery. So we combined our interests and from then on nagtuloy tuloy. Naghanap kami ng mga taong alam namin na may same passion na meron rin kami.”
Em
Katuwang ng kanyang malawak na karanasan bilang isang lokal na volunteer, nabiyayaan din si Em ng pagkakataon na magkawang-gawa sa ibang bansa. Noong bagito pa lang s Em sa Thomas Reuters, sumali siya sa Ambassador Challenge ng kanilang foundation na naka-base sa London, kung saan siya naging unang ambassadress na nagmula sa Asya. Noong 2017, napili siya muli ng kompanya para maging kinatawan ng Thomas Reuters sa One Young World’s summit na ginanap sa Bogota, Colombia.
Sa ngayon aktibo si Em bilang volunteer sa Yakag Pilipinas, katuwang an tagapagtaguyod nitong si Ralph Tasic. Bukod dito, taga-suporta rin si Em ng Visayan Forum Foundation na lumalaban sa human-trafficking, slavery, at exploitaton.

Teo, Student
Kasalukuyang tinatapos ni Teo ang kursong Social Work sa Unibersidad ng Pilipinas, kaya sadyang malapit na sa kanya ang mga gawain ng isang volunteer. Hindi na rin kataka-taka na maraming advocacy ang layunin niya sanang suportahan, gaya ng youth and education at human rights.
Bukod sa iVolunteer, masugid ding volunteer si Teo ng Union Church of Manila Philippines Foundation, Inc. (UCMPFI) at Wells Mountain Initiative (WMI) kung saan kabilang siya sa mga nagsusumikap upang gawing mas accessible ang edukasyon para sa ilan nating mga mahihirap na kababayan.
“Naghahanap ako ng ibang organization na pwede kong matulungan, like sa iVolunteer, yung nagrecommend sa akin yung kapatid ko na sabi nya, may mga organization na pwede mo matulungan. So triny ko ngayon, and I’m looking forward na maging part nito. Sana mas maraming mainvolve sa mga ganitong organization kasi hindi lang naman ako o yung ibang nagvovolunteer yung makakagawa ng pagbabago, dapat lahat.”
Teo
Kung ano ang maipapayo niya sa mga taong nais mag-volunteer, hinikayat ni Teo na huwag umano silang mag-alangan at matakot, “Let yourself discover what are the volunteer opportunities na akma sa sarili mo. And always put in your mind, we are volunteering because we want to see changes in our nation.”
Start your volunteer journey with us
Naniniwala kami sa iVolunteer na ang Everyday Hero ay nabubuhay sa’ting lahat. Hindi mahalaga kung gaano kalaki ang bagay o ang oras na kaya nating ibigay. Ang mahalaga, ginagawa natin ito nang maluwag sa ating kalooban. Kaya halina sa iVolunteer Philipines website at alamin kung ano nga ba ang magagawa mo upang maging isang Everyday Filipino Hero kagaya nila Judy, Teo, Em, Jay, at marami pang iba.