Ang Hamon Kong Tinanggap

Noong nakaraang buwan, sumali ako sa Bayani Challenge ng Gawad Kalinga sa Padre Garcia, Batangas. Nasubukan ko na ang pag-volunteer, pero yung sa mga relief operations na pa-isa-isang araw at dito lang sa siyudad. First time kong mag-volunteer na sa probinsya na, limang sunud-sunod na araw pa! Hindi ko alam kung anong nasa isip ko at tinanggap ko ang hamon; siguro, tulad ng marami, for the experience.

Giving the GK houses a brand new coat of paint!
Giving the GK houses a brand new coat of paint!

And what an experience it was. Yung tipong out-of-your-comfort-zone. Mahiyain akong tao, pero ang dami kong naging kaibigan pagkatapos ng limang araw na iyon. Kahit kaunting araw lang kami magkakasama, ultimate bonding experience rin siya—mula sa on-the-spot na pag-iisip ng programa at palaro para sa mga bata, hanggang sa pagkukuwentuhan at tawanan namin pagkatapos. Medyo importante rin sa akin ang kalinisan, pero okay lang na tumatagaktak ang pawis ko habang nagpipintura ng mga bahay. Makakalimutan mo yun sa saya ng pagtrabaho, lalo na kung may aabangan kang firehose truck sa hapon. At tulad ng marami sa atin ngayon, nasanay ako sa mga pribilehiyo ng pamumuhay sa siyudad, pero hindi ko ito hinanap-hanap doon. Masaya ring kalimutan pansamantala kung may mga notifications ka, kasi nararanasan mo in real time ang pakikisalamuha sa iba, bata man o matanda. Naramdaman ko rin doon ang tunay na malasakit sa kapwa, lalo na sa pamilya nina Nanay Suzette na nagkupkop sa amin ng kaibigan ko. Hindi kami umaalis ng bahay hangga’t hindi napapakain, at isinakripisyo ng pamilya niya ang comfort ng kanilang tulugan para sa amin.

With Nanay Suzette and the rest of my foster family for 5 days at GK Padre Garcia
With Nanay Suzette and the rest of my foster family for 5 days at GK Padre Garcia

Dahil sa limang araw na iyon, nagbago ang perspective ko. Siguro kasi sa mundanity ng buhay—yung pare-pareho ang ginagawa mo, day in and day out—masyado akong naka-focus sa sariling mga problema na hindi ko napapansing may magagawa pala ako para sa iba. Maganda rin pala ang mag-step back at pagtuunan naman ng pansin ang pangangailangan nila. Totoo ngang ang sarap ng pakiramdam na nakatulong ka sa iba, kahit sa maliit na bagay lamang. Natulungan mo na nga sila, at natulungan ka rin nila.

Tapos na ang limang araw na iyon, pero hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang mga naranasan ko. Doon ko rin kasi naramdaman ang tunay na pagmamahal para sa bayan at sa kapwa Pilipino. Para panatiliin ito, isang hamon ko ngayon ang pagpapatuloy sa aking nasimulan. Mahirap, pero kakayanin.


Miriam signed on for a five-day Bayani Challenge to #endpoverty last summer 2015. Help end poverty in your community. =)

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.