Tula: Sa Tulad Mo

Tumindig ka at sumama sa pag-aklas,
‘Di nagpasindak sa kahit anumang dahas,
Hinarap ang mga kalabang malakas,
Makamtan lamang kung ano ang patas.

Dinakip ka, sinaktan, minaltrato,
Ikinulong sa madilim na presinto,
Dugo mo’y dumanak sa aspalto.

Tinanong ka kung bayan o sarili,
Kung buhay mo o buhay ng mga api.

Hindi ko lubos magawang isipin,
Paano mo nagawang bayan ay piliin,
Na hanggang sa dulo ng iyong hininga,
Pinili mo pa rin na ipagtanggol sila.

Habang binabasa ko itong libro,
Kung saan buhay mo ay ikinuwento,
Naluha ako sa mga isinakripisyo mo,
Para sa kalayaang tinatamasa ko.

Nang piliin mo ang kinabukasan ng bayan,
Pinili mo na ring pamilya mo ay masaktan,
Nang mawala ka sa kanila ng tuluyan,
At mundo nila’y binalot ng kadiliman.

Sana’y maaaring bawiin ang nagdaan,
Baguhin ang iyong naging kapalaran,
Para ika’y muli nilang mahagkan,
Sa mundong puno ng kapayapaan.

Ngunit ‘di na maibabalik pa ang nakaraan,
Kaya’t ipagpapatuloy na lamang ang laban,
Upang maprotektahan itong kalayaan,
Na ipinaglaban mo hanggang kamatayan.

Sa tulad mong pinili ang bayan: salamat.


Utang natin sa mga bayani ng nakaraan ang kalayaan at kapayapaan na mayroon tayo ngayon.  Huwag kalimutan na responsibilidad nating ipagpatuloy ang kanilang nasimulan. Hindi natin kailangan magsakripisyo ng buhay. Tumingin ka lang sa kaliwa’t kanan mo, siguradong may makikita kang kababayan mo na nangangailangan ng tulong. Maging bayani para sa bayan, mag-volunteer.


Written by: Lorraine Rañoa, iVolunteer Philippines


Visit, follow and like iVolunteer’s Facebook Page for Regular Updates: https://www.facebook.com/ivolunteerphils

Sign up for Volunteer Opportunities through iVolunteer’s Website: https://www.ivolunteer.com.ph/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.