Nitong nakaraang ika-27 lamang ng Hulyo, mahigit sa 700 na bisita, beneficiaries, volunteers, at staff ang nakibahagi sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) sa Muntinlupa Sports Complex.
Ang PJPS ay isang ministeryo na tinutulungan ang mga kababayan nating nakulong, sa pamamagitan ng rehabilitasyon sa bisa ng mga aral ng Diyos at sari-saring formation programs.
Isa sa pangunahing programa ng PJPS ay ang pagbigigay ng pastoral services, katulad nang pagdaraos ng mga misa at counselling sessions para sa mga inmates. Katuwang ng ilang donors, nagpapadala rin ang PJPS ng mga gamot para sa mga bilanggo at nangangasiwa ng scholarship program at konseho para sa kanilang mga anak.
Ang iVolunteer Philippines at ang PJPS
Isa sa mga nakiisa sa PJPS nitong ika-27 ng Hulyo ay ang iVolunteer Philippines sa pangunguna nina Zhan Peteros, Noralyn Daylo, at Mikhail Desales. Bilang isa sa’ming mga katuwang sa pagpapalaganap ng bolunterismo sa bansa, itinuturing ng iVolunteer team na malaking karangalan ang maging bahagi ng PJSPS family at mabigyang pugay sa harap ng mga bumubuo at nagtataguyod ng kanilang komunidad.
We have to start with the premise that not all of these inmates are hardened criminals […] some are victims of injustice. Between our work, we are able to provide them a new perspective. This is not yet the end, ‘you’re incarceration has a limit and you can go beyond it.’
Rev. Fr. Joseph Haw, SJ
Isa sa core programs ng PJPS ay ang pag-iimbita ng mga volunteers upang makasalamuha ang inmates ng New Bilibid Prison Reservation sa pamamagitan ng ibat-ibang formation programs, katulad ng immersions, medical missions, at ang pagkakataong makapagturo sa mga anak ng mga bilanggo.

Kasama sa programa noong ika-25 anibersaryo ng PJPS ang pagbibigay pugay sa kanilang mga partners at sponsors, kabilang na nga ang iVolunteer Philippines.
Maaaring maging volunteer para sa PJPS sa pamamagitan ng pag-sign up sa iVolunteer Philippines website, kung saan nakalatag ang mga events na ino-organisa ng PJPS. Maaari ring magtungo sa kanilang official website upang mag-donate at dumalo sa iba pa nilang aktibidad at pagtitipon.
Isa sa mga dumalo para sa’min ay si Zhan, na aminadong minsa’y naging 50-50 ang paniniwala sa implementasyon ng death penalty sa bansa, “But after hearing the live testimonies or the fruits of PJPS’ service, nabago yung perception ko. Reformation is still an appropriate approach.”

Ilan pa sa mga naging highlights ng ika-25 anibersaryo ng PJPS ang pagbabalik tanaw ng ministeryo sa kanilang naging simula, pati kung paano nanatiling matatag ang komunidad nitong nagdaang dal’wang dekada. Nagkaroon din ng programa kung saan nagbahagi ng kanilang karanasan ang isang dating inmate, isang scholarship beneficiary, at isang long-time (15 years) volunteer ng PJPS.
Ayon pa sa kanya, nakakatuwa rin umanong makita ang ilan sa mga naging beneficiary ng scholarship programs na matagumpay at ngayo’y maging bahagi ng makabagong programa ng ministeryo bilang mga aktibong volunteers.
Ang iVolunteer Philippines ang #1 volunteer platform sa bansa na ginawa ng mga volunteers para sa mga volunteers! Halina’t mag-sign up at alamin kung paano ka makakatulong sa pamamagitan ng pagvo-volunteer.