Rainy days are starting to set in. Panahon nanaman ng mga payong, bota, kapote, ulan, bagyo at baha. At panahon na din ng mga bangkang papel at syempre – ng mainit na sopas ni nanay.
Mmm. Sopas. Kung meron sigurong pambansang comfort food ang Pinas, malamang eto na yun. Masarap. Mura. Pang-masa. Pero higit sa lahat, ito yung pagkaing nagpapaalala sa pamilya. Nasa ibang probinsya ka man, sa ibang bansa, o di kaya’y sa lansangan nakatira – basta may sopas sa hapag – para ka na ring nakauwi sa isang tahanan may masayang pamilya.
Ganitong klase ng sopas ang ihinahain ng isang kakaibang karinderia sa may Quezon Avenue. Marahil ay narinig mo na ang Karinderia ni Mang Urot – ang soup kitchen na inumpisahan ni Kuya Benjie Abad noong 2012.
Simple lang ang layunin nito: ang pakainin ang mga nagugutom – walang bayad, walang kapalit. Anim na taon na ngayon – sa pagtutulong-tulong nina Kuya Benjie at pamilya, at ng volunteers – tuloy ang Karinderia sa pagtupad ng misyon nito.

Sa ngayon, hindi nalang sopas ang ihinahanda nina Kuya Benjie – minsang sardinas, minsang gulay, minsang noodles, o kung may budget – adobo, afritada o fried chicken. Pero higit pa sa masasarap na pagkain, pamilya at pag-asa ang hatid ni Mang Urot sa mga kumakain sa kanyang Karinderia.
Pamilya
“Marami kasing naa-address yung feeding program e, unang-una nagkakaroon ulit ng structure, parang nagkakaroon sila ng family.”
Kuya Benjie
Sa Karinderia ni Mang Urot, hindi requirement na kadugo para matawag na pamilya. Tuwing Byernes, Sabado at Linggo ng gabi, nagsisilbing hapag kainan ang kanto ng Examiner St at Quezon Avenue para sa extended family ni Kuya Benjie – mapa-benificiary o volunteer, magkakapatid.
Pag-asa
“Man can live about forty days without food, about three days without water, about eight minutes without air…but only for one second without hope.”
Hal Lindsey
Bawat isang mangkok ng kanin at mainit na sabaw, isang bukas ang katumbas. Isang panibagong araw. Isang pagkakataong maisakatuparan ang mga simpleng pangarap. Kung mayroong mga tao na handang tulungan ka, sino ka para hindi tulungan ang sarili mo?
It is the warmth of rain and comfort of summer.
Kinulayan ng Karideria ni Mang Urot ang lansangan. Hindi nalang ito isang lugar kung saan kailangang magtiis ng ilan sa lamig ng gabi o sa init ng araw o sa hagupit ng ulan. Hindi nalang ito delikadong kalsada kung saan pwede silang masagasaan. Hindi na lang ito hawlang puno ng polusyon.

Para sa mga taong napagsilbihan ng Karinderia, isa na din itong tahanan, na marahil ay walang bubong at walang pinto, pero sagana sa pagkalinga at pagmamahal.
It feeds our dreams more than our hunger.
Bawat karakter sa Karinderia ni Mang Urot, may kwento, may pangarap.
Pangarap ni Kuya Benjie na mabawasan ang mga taong nagugutom. Pangarap din nyang mapalaking mabuti ang kanyang mga anak. “It’s good to raise successful kids but for me it’s better to have kind children.”
Pangarap ng anak nyang si Brigette na maituloy ang mabuting nasimulan.
Pangarap ng barkadahan nina Dykez na maging makabuluhan ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan at makapagpasalamat sa mga biyayang natatanggap. Kaya imbis na kumain sa mamahaling restaurant o gumimik, mas pinili nilang maghanda at pagsilbihan ang mga kapatid nating mas nangangailangan.

Pangarap ng mga mga volunteers na makatulong, kahit sa maliit na paraan.
Pangarap ni Aling Alma, isang sa mga pinakakain ng Karinderia, na makasama ang kanyang mga anak.
Pangarap ng marami sa mga kabataan dito ang makapag-laro at makapag-aral.
Ito ang mga pangarap ng tinupad at binibigyang pag-asang matupad ng Karinderia ni Mang Urot.
The Perfect Sopas is not really perfect – much like the hands that prepared it.
Si Mang Urot, kathang-isip, pero si Kuya Benjie, totoong tao. Katulad mo, katulad ko, hindi perpekto.
Mayroon din syang mga pagkukulang at pagkakamali – noon at ngayon – na magaang nyang ikukwento sayo kung magtatanong ka.
Ang mahahalagang aral ng buhay nya: hindi ka kayang pigilan ng mga pagkakamali mo noon para gumawa ng mabuti ngayon. At hindi ka kayang pigilan ng mga pagkukulang mo para punuan ang pangangailangan ng iba.
Hindi kailangan ng makikintab at manikuradong mga kamay para maghanda ng sopas. Maging kalyado o kulubot pa ang mga palad ng mga taong naghanda nito, okay lang. Hindi naman huhusgahan ng tyan ng mga kakain ang kamay na naghiwa ng mga rekado at nagsaing kanin. At hindi mo naman pwedeng husgahan ang puso ng isang tao base sa kinis ng mga kamay nya.
They say that if you have food in your fridge, clothes on your back, a roof over your head and a place to sleep, you are richer than 75% of the world.
And if you have the means to read this article right now, you are probably richer than 90% of the world.
June is National Hunger Awareness month.
To commemorate it isn’t merely to raise consciousness that there are millions of people around the world experiencing hunger.
This month should also remind us that while there are millions of hungry people that we cannot reach, there are a few within our grasp.
To celebrate this month is to extend our hands to those few, because touching those few is all it takes to make this world better.
This month is to salute all those who stood up for the less fortunate. You are the Perfect Sopas in human form. You are family to those who doesn’t have any, or far from them. You are home to those who don’t have one.
Gie Maningas, iVolunteer Philippines
I was really amazed and touched by the service that these volunteers are giving to our “kapamilyas”. Two thumbs up to you Kuya Benjie! I love Karinderya ni Mang Urot, kinurot mo ang aming puso.
This is a good way to help other people that in need❤️. Isa sa mga pangarap ko rin ang makatulong sana po ay pag palain ang mga taong tumulong sa kanyang kapwa❤️ stay safe and stay healthy