Ang Aking Kwentong GK

Nagvolunteer ako sa Gawad Kalinga kasi nirekomenda ito ng isa sa mga idol kong propesor. Habang naghahanap na ng trabaho ang mga kabatch ko, naisipan kong magbakasyon muna sa malayong lugar at noong nakita ko yung promo ng Bayani Challenge, naisip ko “uy makapupunta na ko sa ibang lugar, makatutulong pa ko sa kapwa. Pweds to!” kaya pumunta ako na ‘di alam na pagkatapos ng lahat ay 5 shades browner na ang balat ko at magkakaron ako ng mahapding bukas na paltos sa kamay (pero happy).

Hindi naging madali ang trabaho. Noong unang araw, binagay sa amin ang Paraisong Pambata – kailangang libangin at turuan ang mga bata. Sa venue ko lang nalaman na wala palang programa na susundin, kami lang ang bahala. Pagkatapos, kinailangan naming maghukay para sa pundasyon ng bakod, pero tuyo yung lupa kaya mas lumalaban sa asada (dito ko nakuha yung paltos). Sa isa pang araw ay naatasan kaming itakin ang mga damo sa gilid ng daan habang nakabilad sa araw magdamagan.

11210479_882897638441262_444859759035927926_n

Pero kaya. Sa bawat hakbang ay may kasama kang mga taong parehas na gustong tumulong. Marami akong nakilalang tao na galing ring siyudad, galing ibang probinsya, at marami ring galing Batangas. Nakagagaan ng loob na isipin na bagamat malayo ang kinagisnan, lahat kami ay nagtagpo-tagpo sa iisang layunin, ang tumulong lutasin ang problema ng kahirapan. Marami akong natutunan mula sa tamang pagkain ng lomi hanggang sa mga pangangaral ng mga lider ng GK. Pagkatapos ng bawat araw ng trabaho, nagsasama-sama ang lahat sa hapon upang maligo sa ilalim ng hose ng bumbero. Lahat ng tao nag-aagawan ng pwesto sa kung saan ay marami ang tubig, ang may hawak ng hose namumuntirya ng mga hindi pa gaanong kabasa, at ang mga bata naglalaro sa putik. Isa rin sa mga pangunahing inspirasyon ko sa trabaho ay ang malugod na pagtanggap sa akin ng pamilya Mediona. Bawat umaga ay ipinagluluto nila ako ng almusal at pag-uwi ko sa gabi may naghihintay sa aking panghapunan. Sa sobrang dami nilang hinahain sakin madalas hindi ko nauubos. Lahat lahat, ang karanasan ay nakapupuno ng puso at hindi ko ipagpapalit kailanman.

Sariwa pa ngayon ang mga kaligayahang dala ng pakikipagkapwa, pero kasabay nito ay may tila sakit na parang kulang ang nagawa ko. Noong una inisip ko ang mga volunteer projects na to ay “feel good experience” lamang, pero matapos makilala at makakwentuhan yung mga tao sa kapitbahayan at mga volunteer, hindi lang pala iyon. Bawat isa’y may angking kagustuhan na makatulong na sumisinag sa patuloy na pagtrabaho bilad man sa araw o hindi, may pakain man o wala; siguradong sinukuan na ito ng mga volunteers kung ang habol nila ay feel-good experience lamang. Pero hindi! Ang Bayani Challenge ay napaiigting sa bawat kalahok ang ispirito ng bayanihan. Tinutulak kang tumulong nang higit pa sa bayan. Laging kulang. At sa tingin ko, sa pagdami ng taong nakararamdam ng pagkukulang na ito, sa ilalim ng paggabay ng mga institusyon tulad ng GK, ang paglutas ng kahirapan ay hindi isang malayong pangarap.

 Cholo Dejito, April 30, 2015

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s